更新日:2026年2月25日
Pamamahagi ng lokal na pera na "K-Money"
Ipapamahagi ng Kani City ang lokal na pera na "K Money" sa lahat ng mamamayan upang masuportahan ang buhay ng mga mamamayan nito bilang tugon sa pagtaas ng mga bilihin. Pakisuri ang mga nilalaman at gamitin ito hanggang bago ang deadline.
Tungkol sa ipamamahagi na "K Money"
- Angkop na tao Lahat ng mamamayan na may rehistradong tirahan sa Lungsod ng Kani hanggang Enero 1, 2026
- Halaga 6,000 yen bawat tao (1,000 yen na tiket x 6 na booklet)
- Bilang ng ipamamahagi May kalakip na booklet para sa bilang ng mga tao sa household
- Petsa ng bisa Hanggang Setyembre 30, 2026 (Miyerkules)
Paraan ng paggamit
- Ang "K Money" ay isang gift certificate na maaaring gamitin sa "cooperating stores" sa Kani City.
- Maaari itong magamit upang magbayad para sa pamimili at mga ibang serbisyo
- Para sa mga tindahang maaaring paggamitan nito, pakisuri ang kalakip na "Mga Alintutunin sa Paggamit ng K Money".
Makikita rin ito sa website ng Kani Chamber of Commerce at Industry. (Kani Chamber of Commerce at Industry)
- May mga sticker at poster na nakadikit sa mga tindahang maaaring paggamitan nito.
Mga paalala
- Hindi nagbibigay ng sukli.
- Hindi maaaring ipagpalit, ipagbili muli, ibenta o bilhin, ipa-refund, o gamitin muli.
- Kapag lumampas na sa takdang petsa ng bisa, hindi na ito maaaring gamitin anuman ang dahilan.
- Hindi maaaring gamitin sa mga sumusunod na bagay:
- Pagbili ng mga gift certificate, library card, mga kupon, mga selyo, atbp.
- Pag re-recharge ng electronic money
- Pagbabayad ng mga utility bill, insurance premium, atbp.
- Sa ilang tindahan, maaaring may mga produkto, serbisyo, o lugar ng pagbebenta na hindi maaaring paggamitan nito.
- Hindi mananagot ang Lungsod ng Kani sa anumang pagnanakaw, pagkawala, pagkasira, o pagkawalang bisa nito.
◎Ang proyektong ito ay gumagamit ng “Pambansang Pansamantalang Grant para sa Rehiyonal na Pagpapaunlad bilang Tugon sa Pagtaas ng Presyo ng mga Bilihin.”